Paano mapanalunan ang jackpot prize sa lotto?

tumama sa lotto
Ang lotto ay isang sugal na kapag napanalunan mo ang jackpot ay prize ay kaya nitong baguhin agad pansamantala ang iyong antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng malaking halaga na mapapasaiyo.


Ganito ang dami ng mga combinations sa lotto:

Grand Lotto 6/55 = 28,989,675 combinations
Super Lotto 6/49= 13,983,816 combinations
Mega Lotto 6/45= 8,145,060 combinations
Lotto 6/42= 5,245,786 combinations

Ibig sabihin na kung tatayaan mo lahat sa halagang 20 pesos ang bawat combination ay ganito ang halagang babayaran mo:


Example for Grand Lotto :
20 pesos X 28,989,675 combinations = Php 579,793,500.00

Yan ang halaga ng taya mo para sure na manalo. 
Kung ang jackpot prize ay higit pa jan siguradong ikaw ay mananalo kung tatayaan mo lahat ng combinations. May chance ka ring malugi kapag marami kayong tumama dahil paghahatian ninyo yan.


Marami sa atin ay nangangarap na mapanalunan ang jackpot sa lotto. Sa tuwing dumadaan ako sa isang kalye ng Alabang nakikita ko na laging mahaba ang pila lalo na kapag malaki na ang jackpot prize. Nakikita ko na sa bawat mukha ng tumataya ay seryoso talaga na mapanalunan ang inaasam na "instant yaman".

Siguro ay tatanungin mo ako kung paano ba talaga sure na tumama sa lotto?

Isa lang naman ang sikreto ng pagtama sa lotto, yun ay ang pagtaya. Siguro natawa ka sa sinabi ko pero yun ang totoo. May nabalitaan ka na bang nanalo ng jackpot prize sa lotto kahit hindi siya tumaya? (Meron siguro kung ninakaw ung ticket but that is not my point.) Ang gusto kong pag tuunan ng pansin sa article na ito ay ang paggawa natin ng aksyon sa bawat opportunity na dumarating sa atin.

Simple lang naman ang konsepto nito; kung gusto mong tumama ay tumaya ka; kung gusto mong maging healthy ay mag-exercise at mag diet ka; kung gusto mong matuto ay nararapat lang na mag-aral ka, kung gusto mong yumaman, then gawaan mo ito ng paraan.

Kung gagawa ka ng agad aksyon, mas malaki ang chance na matupad mo ang iyong pangarap kaysa sa mga taong takot mag-take ng risk. Maraming opportunity sa ating buhay ang dumarating at kumakatok ngunit hindi pinapansin ng karamihan. Ayaw nilang gumawa agad ng aksyon dahil natatakot silang mabigo. Pinilit na nilang tanggapin ang kanilang kalagayan at isuko na lang lahat ng kanilang pangarap. Pinilit rin nilang maging masaya sa kung anung meron sila, playing safe sabi nga ng iba.

Marahil na idadahilan mo sa akin ngayon na hindi ka pwedeng magtake ng risk dahil sa marami ka nang liabilities sa buhay at ikaw lang ang talagang inaasahan ng iyong pamilya. Oo naiintindihan ko yan dahil naranasan ko rin naman yan. Ngunit tatanungin kita, Kailan ka ba talaga magiging seryoso sa mga pangarap mo? Hindi mo magigising ang natutulog mong kakayahan hangga't walang nakataya. Mananatiling illusyon lamang habang panahon ang mga pangarap mo. Wala ring mangyayari dahil takot kang lumaban sa sarili mo. Hindi mo ito magagawa hangga't hindi ka tumataya sa "lotto of your life". Upang sure na manalo kailangan mong lakihan ang taya mo nang sa ganon ay talagang seseryosohin mo kung anoman ang magiging hakbang mo upang makamit talaga ito ayon sa gusto mo.
risk taker
Ngayon tatanungin kita gusto mo rin bang mapanalunan ang iyong pangarap?  Kung Oo ang sagot mo, kailangan mo nang umaksyon; hindi mamaya, hindi bukas at hindi sa isang taon kundi ngayon na!

Kung ano ka ngayon, yan ay dahil sa resulta ng ginawa mo kahapon; At kung ano ka bukas, yan ay dahil sa resulta ng ginagawa mo ngayon.



Like us on facebook www.erwinbautista.com on Make A Gif